Ed Caluag naglabas ng saloobin sa mga bashers
Sa latest episode na lumabas march3 2019 ng kapuso mo jessica sojo nag labas ng saloobin si ed caluag sa mga nangbabash sa kanya online.
Ang sabi pa ni ed caluag “kilalanin nyo muna akong mabuti bago nyo ako husgahan”, Ibinahagi ni ed caluag ang storya ng kanyang buhay.
Ayon kay ed caluag nagsimula ang kakayahan nyang makakita ng mga kakaibang uri ng nilalang or ghost matapos nyang dumaan sa malubhang karamadaman ( polyo ) nung bata pa sya, ni hindi sya makatayo ng halos dalawang taon kaya lagi lang syang nasa bahay at nakaupo sa upuan, dahil nga sa construction lang ang trabaho ng kanyang tatay at halos isang kahig isang tuka ang buhay nila nung mga panahong iyon hindi na nila nagawang magpagamot o magpakonsulta pa sa duktor, dahil na rin sa kagustuhang lumabas at gustong mag laro ng batang ed caluag pinilit at pinag pursigihan nyang makalakad dahil dun paunti unti hangang muli na syang nakalakad.
Nagsimula raw ang kakayahan nyang makakita nung sya ay pitong taong gulang pa, nakikipaglaro daw sa kanya ang mga multo sa bahay nila at kahit pa sa pag pasok nya sa eskwelahan ay sinusundan umano sya nito, at dahil din sa palagian nyang pag tanong sa mga ka iskwela kung may nakikita silang kakaiba nag simula na rin syang mabuli sa kanyang eskwelahan, dahilan din ito upang mag hanap sya ng taong kakampi na may kaka ibang karunungan, tinuraan sya nito kung paano gamitin sa mga nang bubuli sa kanya ang kanyang kakayahan upang makaganti, pero sa halip na gamitin ang kakayahan upang makaganti ginatmit ito ni ed caluag upang makatulong mapuksa ang pwersa ng kadiliman at upang makagamot na rin ng mga may sakit.
Ayon sa mga taga malolos bulacan kung saan lumaki si ed caluag at kilala bilang “boyet” sya raw ang takbuhan ng mga maysakit, at ayon pa sa mga taga rito magaling daw na mang gagamot si ed caluag.
-nakapag tapos si ed caluag ng BS ELEMENTARY EDUCATION
– at naging isang elementary teacher din sya.
– nag karoon din ng asawa at mga anak pero hiwalay na sya sa unang misis.
– pero hangang sa na kilala nya ang bumihag ng kanyang puso na si marilyn na nakilala nya lang online.
Marami nga ang nang bash sa kanya dahil daw sa sunod sunod na palpak na pag imbestiga nito sa mga episode ng KMJS , ayon pa sa kanyang kinakasama ” masakit kapag sinasabihan sya ng ganun akala ko di ako masasaktan pero masakit pala” pero Ayon naman kay ed Caluag nag papasalat din daw sya sa mga bashers at dahil daw sa kanila ay nakilala pa ang pangalang ed caluag at kahit saan sya magpunta ay may nakakakilala sa kanya.